Talaan ng Nilalaman
Ang patuloy na interes ng mga Pilipino sa basketnall, ipinakilala ang bagong ligan a kahihiligan ng mga fans at magbibigay ng bagong pag-asa para sa mga manlalaro. Ang Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL na may layunin na magbigay oportunidad sa mga local na manlalaro mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Lodi Lotto para sa higit pang impormasyon.
Ang MPBL ay itinatag noong 2017 ni Manny Pacquiao. Ang MPBL ay hindi lamang tungkol sa basketball, gusto din ni Pacquiao na isulong ang pagkakaisa at pagbibigay ng inspirasyon sa mga taong nasasakupan ng lalawigang kasali sa liga. Sa pamamagitan ng MPBL, maraming manlalaro ang mabibigyan ng pagkakataon na mapakita ang husay at talent sa basketball. Ang MPBL ay magbibigay din ng kasiyahan sa mga fans at sa mga lokal na taong nakatira dito
Ang Pagsisimula ng MPBL
Itinayo ni Pacquiao ang MPBL noong August 29, 2017 na may layunin na ipakilala ang parehong lungsod at ang mag-eendorso dito. Ang isang lungsod ang kukuha ng isang kompanya na gagawin nilang sponsor. Ang unang plano ay magsimula ng liga sa Luzon tapos mag-expand sa Visayas at Mindanao sa mga susunod na taon. Ang liga ay binubuo ng dalawang division, ito ang North at South. Ang mananalong team sa bawat division ay ang maghaharap sa National Finals. Ito ay katulad ng format sa National Basketball Association o NBA. Ang unang plano ay magsimula ang unang laro mula September 23, 2017 na may anim na teams. Isang pre-season tournament ang sinimulan at ang Bulacan Kuyas ang tinanghal na kauna-unahang kampeon. Si Snow Badua ang unang commissioner ng MPBL ngunit hindi niya tinanggap ang posisyon ng simulant ang unang season ng liga. Pinalitan ni Kenneth Duremdes si Snow Badua at ngayon ay siya ang nananatiling commissioner ng MPBL.
Ang MPBL Noon
Nagsimula ang semi-professional season ng MPBL noong January 25, 2018 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Mayroong sampung teams na kasali at lahat ay taga-Luzon at kailangan ay mayroong tatlong homegrown players ang bawat team. Sa opening game, ang Parañaque Patriots ang unang nanalo sa score na 70-60 kalaban ang Caloocan Supremos. Ang playoffs ay may walong teams at nagtapos ang unang season na ang nagchampion ay ang Batangas City Athletics kalaban ang Muntinlupa Cagers
Sa sumunod na season, 2018-2019, nadagdagan ng 17 teams ang liga at nagkaroon sa kabuuan na 26 teams. Limang teams ang galing sa Visayas at Mindanao na nagpapakita na mabilis na paglawak ng liga. Nahati na sa dalawang division ang elimination games, ang North Division at ang South Division at nadoble din ang mga nakapasok na teams sa playoffs, 16 teams, 8 teams bawat division. Nagsimula na din maghigpit ang MPBL sa mga roster ng teams, pinayagan ang isang Fil-Foreign player bawat teams at hanggang limang ex-professional players o ex-PBA players. Sa taon na ito nagkaroon na din ang MPBL ng All-Star game na ginanap sa MOA Arena sa Pasay. Ang San Juan Knights ang nagchampion sa taon na ito laban sa Davao Occidental Tigers.
MPBL Bilang Professional League
Noong November 9, 2021, ipinaalam na ang MPBL ay magiging isang propesyonal na liga at noong December 9, 2021 ito ay ginawa ng pormal ng Games and Amusement Board o GAB. Pinayagan din nito na magkaroon ng mga college players ang MPBL hangga’t mayroong Special Guest Licensee ang manlalaro. Ang unang propesyonal na laro ay ang 2021 Invitational at sa tournament na ito ay tinanggal ang lahat ng paghihigpit sa roster.
Ang 2022 season ng MPBL ay nagsimula isang taon matapos ang 2021 invitational. Sa season din na ito ay nagkaroon na ng major and minor sponsors ang MPBL. 31 teams ang maglalaban laban sa season na ito at ang Nueva Ecija Vanguards ay ang kauna-unahang team na walang nakuhang talo sa elimination round. Sila na din ang tinanghal na kampeon sa taon na iyon laban sa Zamboanga Family’s Brand Sardines. Ang taong 2023 naman ay nagkaroon ng 29 teams kabilang ang dalawang expansion teams. Sa season na ito Pampanga Giant Lanterns naman ang nagkampeon laban sa Bacoor City Strikers.
Sa paparating na season na magsisimula sa April 6, 2024, mayroong 30 teams ang maglalaban laban kabilang ang tatlong expansion team ngunit may tatlong teams din ang umalis. Bawat taon ay iba ang nagiging kampeon kaya naman abangan natin kung madedepensahan ng Pampanga ang kanilang korona.
Konklusyon
Ang Maharlika Pilipinas Basketball League ay hindi lamang simpleng liga sa Pilipinas, ito ay nagsisilbing pag-asa at inspirasyon sa mga batang manlalaro, ex-PBA players at mga homegrown players at maging mga fans at komunidad ng bawat lungsod. Napakahalaga ng MPBL para sa mga manlalaro, lalong lalo na sa mga ex-PBA players na hindi nagkaroon ng kontrata sa PBA. Maaari nila ipagpatuloy ang kanilang laro dito dahil ang pagiging basketball player ay isa ding trabaho. Sa pamamagitan ng paglalaro sa MPBL mapapanatiling fit ang kanilang katawan at maaaring makabalik pa din sa PBA at makakuha ng kontrata.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Oo, mayroong age limit sa MPBL. Ang mga manlalaro ay dapat na 18 taong gulang pataas upang makasali sa liga.
Ang mga laro ng MPBL ay ginaganap sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas, kabilang ang mga malalaking gymnasium, sports complex, at iba pang mga pasilidad sa palakasan.