Ang Pagsusuri sa National Basketball League ng Australia o NBL Australia

Talaan ng Nilalaman

Lodi LottoAng NBL ay ang propesyonal na liga ng basketball sa Australia na mayroong 10 teams, 9 sa Australia at 1 sa New Zealand. Ito ang kanilang pangunahing liga sa kanilang bansa at ang pinakasikat dahil na din sa pakikipag-ugnayan nito sa NBA. Ito ay binuo noong 1979 at ang maagang tagumpay nito ay nagdulot ng pagtaas ng bilang ng mga teams na gustong sumali sa NBL. Ito ay lumaki hanggang sa 17 teams ngunit bago magsimula ang 1990 ang mga teams dito ay nabawasan ng walo. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Lodi Lotto para sa higit pang impormasyon.

Maikling Kasaysayan ng NBL Australia

Bago magsimula ang NBL sa Australia ay mayroon muna silang dalawang liga ng basketball, ang National Titles at ang Australian Club Championships. Noong August 1979. Noong unang season nito hanggang 1998 ang NBL Australia ay ginaganap tuwing winter nila, April hanggang September ngunit simula noong 1998-1999 season nilipat na ito tuwing summer, October hanggang April. Kaya nila nilipat ang season ng NBL Australia upang hindi magkaroon ng conflict sa telecast ng football league. Ang NBL ang pangatlo sa pinakamatandang liga sa Australia, una ang cricket at pangalawa ang football. Naging sobrang sikat ng NBL sa panahon ng 1980 hanggang 1990 ngunit unti-unting bumaba ang hilig ng mga fans dito sa pagpasok ng dalawang football leagues sa Australia

Noong 2006-2007 season ay pumasok sa NBL ang isang Asian basketball team na Singapore Slingers at sumali din ang Gold Coast Blaze sa 2007-2008 season ngunit hindi nagtagal ay umalis din ang Slingers pagtapos ng dalawang season. Sa pagpasok ng 2009-2010 season ay magsisimula ang revamping ng NBL dahil sa pag-alis ng mga teams dito at simul anito ay nagkaroon ng pag-angat sa ratings sa telebisyon ang NBL at lumaki din ang crowd attendance, may mga bumalik na mga teams din at mga bagong teams na sumali. Pagkatapos ng dalawang compressed na mga season dahil sa pandemya ng COVID-19, ang 2022–23 NBL season at ang 2023 finals series ay nakakita ng ilang mga all-time attendance records para sa NBL.

Ang Format sa NBL Australia

Sa regular season, mula sa 2009–10 season, bawat teams ay maglalaro ng 28 games, 14 home games at 14 road games. Ang regular season ay magsisimula sa October at magtatapos sa gitna ng February. Noong 2020–21 season, bawat teams ay naglaro ng karagdagang 8 games (36 games) dahil sa bagong format ng NBL Cup tournament. Sa sumunod na season, bumalik ang NBL sa kanilang normal na format ng 28 games ng walang midseason tournament.

Pagdating ng finalss, ang apat na top teams sa dulo ng regular season ay pupunta na sa Finals. Ang team na nasa una at ikalawang puwesto sa pagtatapos ng regular season ay tumatanggap ng home advantages sa kanilang best-of-three first round matchup laban sa team na nasa ikatlong at ika-apat na puwesto. Ang nanalong team sa bawat isa sa tatlong laban ay nagtutungo sa Grand Finals. Ang nanalong team sa Series 1 ay makakaharap ang nanalong team sa Series 2 sa best-of-five Grand Final series, na may home advantage para sa mas mataas na seed. Ang nanalong koponan sa seryeng ito ay tatawagin bilang NBL champion.

Sa 2022–23 season, nag-introduce ang NBL ng play-in games. Ang top two seeds sa regular season ay automatic ng makakapasok sa semi-finals. Ang mga koponang nasa ikatlo hanggang anim na puwesto ay magtutungo sa play-in tournament. Ang third seed ay maglalaro laban sa fourth seed para sa third spot at ang talo ay maglalaro laban sa nanalo sa fifth o sixth para sa fourth seed.

NBL Cup at NBL Blitz

Ang NBL Cup ay ang mid-season tournament sa NBL Australia na ginanap noong 2020-2021 season pero agad din itinigil pagtapos ng season na ito. Kasali ang lahat ng teams dito at ang mananalo ay magkakaroon ng $300,000. Ang nagchampion na team dito ay ang Perth Wildcats na may 7-1 record saw along laro.

Ang NBL Blitz naman ay isang pre-season tournament para sa lahat ng teams na may kakaibang format. Ang lahat ng 10 teams ay maglalaro ng 4 games bawat isa at ang mananalong team ay depende sa kabuuang bilang ng puntos na nakolekta nila. Ganito kung paano icompute ang kanilang mga puntos:

  • 3 points para sa team na nanalo
  • 1 point para sa team na mananalo bawat quarter (walang overtime)
  • 5 points para sa parehong team kapag naging table ang isang quarter

Kapag may overtime, walang karagdagang puntos na ibibigay sa manalong team

NBLxNBA

Ang NBLxNBA ay isang series sa pagitan ng mga teams sa NBL Australia at NBA. Ito ay nagsimula noong 2017 at ito ay mayroong dalawa hanggang pitong laro na gaganapin tuwing September hanggang October. Noong 2017 ang Brisbane Bullets, Melbourne United at Sydney Kings ang lalaban sa tatlong teams ng NBA. Natalo ang lahat ng tatlong teams ng NBL sa NBA pero tinuturing itong matagumpay dahil magdadagdag din ito para mapataas ang ratings ng NBL.

Noong 2018 naman, limang teams na ang lalaban mula sa NBL na kakaharapin ang mga teams sa NBA ngunit bigo pa din ang mga NBL teams na makakuha ng panalo kontra sa mga NBA teams. Sa series ng 2019 NBLxNBA ay hindi pa din nakakuha ng panalo ang NBL teams. Nahinto ang NBLxNBA series dahil sa pandemic at noong October 2022 ay muli itong bumalik at dito na nakamit ng NBL ang unang panalo kontra sa isang NBA team. Tinalo ng 36ers ang Suns sa mismong homecourt pa nito.

Mga Kilalang Manlalaro ng NBL

Ang pinakakilalang manlalarong naglaro sa NBL at nadraft sa NBA ay si LaMelo Ball, siya ay nadraft bilang 3rd overall pick ng Charlotte Hornets noong 2020 NBA Draft. Isa din si Josh Giddey ang kilalang manlalaro na naglaro sa NBL at nadraft sa NBA. Siya ay kinuha ng OKC Thunder bilang 6th overall pick sa nakalipas na 2021 NBA draft. Si RJ Hampton naman ay naglaro din sa NBL at nadraft sa NBA bilang 24th overall pick ng Milwaukee Bucks noong 2020 NBA draft kasabay ni LaMelo Ball. Ang mga pinakalatest naman na nadraft sa NBA na nanggaling sa NBL ay sila Ousmane Dieng (2022), Luke Travers (2022), Hugo Besson (2022), at Rayan Rupert (2023).

Kahit noong unang panahon ay madami na ding mga nadraft sa NBA na nanggaling sa NBL katulad nila Chris Anstey (1997), Ben Pepper (1997), Brad Newley (2007), Nathan Jawai (2008), Ater Majok (2011) at si Terrance Ferguson na nadraft noong 2017 21st overall pick ng OKC Thunder. Si Kai Sotto naman ay naging undrafted noong 2022. Naglaro siya sa NBL simula 2021 hanggang 2023 bago lumipat sa Japan B.League. Isa pa sa kilalang manlalaro na naglaro sa NBL ay si Andrew Bogut. Siya ay naglaro para sa Sydney Kings noong 2018 hanggang 2020 pagtapos ng kontrata niya sa NBA. Si Matthew Dellavedova na siguro ang pinakasuccessful na basketball player na naglaro sa NBL dahil sa nakuha niyang kampeonato sa NBA. Siya ay naglalaro ngayon para sa Melbourne United.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at Lucky Cola. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Bagama’t hindi kasikatan ng NBA, ang NBL ay kilala sa mataas na kalidad ng laro nito at sa mga manlalaro na mayroon ito.

Maaaring mapanood ang mga laro ng NBL sa pamamagitan ng telebisyon, streaming services, o sa mismong lugar ng laban depende sa availability sa inyong lugar.